Tuesday, October 16, 2012

Things are better off seen so that you’ll learn how to accept where destiny leads you to, even if it hurts.


Things are better off seen so that you’ll learn how to accept where destiny leads you to, even if it hurts.


Is this the end or just the beginning?

A popular song says, “Every new beginning comes from some other beginning’s end.” Some things might get lost through the passage of time but these things served you with a purpose. Memories, pain, happiness etc. they’ve been a part of who you are now and will be a part of who you will become in the next 10 or more years.

Everything happens for a reason, my phone vibrates and some random f*cking person sent me a message. Nakakainis naman! Akala ko kung anong into pieces. I’m not used to these kinds of noises. Sobrang sakit na talaga ng ulo ko just before tumahimik sasabihin neto. I checked the time, sh*t 2 o’clock palang pala at eto may gising pa. Ano problema niyo? Saka ko lang na-realize na may nag-uusap, better nag-iinuman, pa sa balcony. I’m so exhausted from last night’s inuman kaya naman ipinikit ko nalang uli yung mata ko. Nakukuha ko na tulog ko pero biglang may mga nagsigawan sa baba. Not again. My heart pounded real fast when I heard glasses falling on the floor and shattered na ang lahat. Hindi ko alam mga nangyari kasi hindi talaga ako nag-abalang lumabas ng kuwarto at naki-tsimis sa kung anong kaguluhang naganap. Natulala nalang ako sa kisame naghahagilap pa ako ng maiisip nang biglang may nailipad na papel sa tabi ko. Binuksan ko. Hindi ko na binasa dahil tinamad akong buksan ang ilaw at alam ko na kung ano ang nasa papel. It’s a copy of my letter to someone I just had a sort of “heart-to-heart” talk last night.

Bakit hindi ka na-inlove kila Francis or kay Archel” “Yung ngang tanong na “Bakit kita nagustuhan?” hindi ko nasagot e yan pa kayang tanong mo” Sabi nila kapag daw gusto mo ang isang tao nang hindi mo alam ang dahilan ay isa lang daw ibig sabihin nun, MAHAL MO NA SIYA. Sino ba kasing nag-imbento niyan nang mapakidnap ko na. Pero may point siya kung sino man siya. Ang problema ko ngayon, paano ko ba kakalimutan at tatanggapin lahat ng katotohanan kung mismong mga tanong ko sa sarili ko ay hindi ko pa nasasagot. Parang the same with breaking up with your boyfriend or girlfriend without knowing the real reason behind it, diba sarap magsuicide.

“Bakit hindi mo i-try isipin mga negative about sa akin.” “Ano ba mga negatives mo?” “Mayabang ako. Hindi ako mabait na kapatid. Hindi ako mabait na anak. Hmm Insensitive ako” “I tried. Inisip ko lahat ng flaws mo. Pero it’s no use. Parang yung level ng positive side mas mataas sa negatives mo.” Naalala ko habang ginagawa ko yung letter at napatanong uli ako kung bakit ko siya nagustuhan. Natawa ako sa sinabi ng utak ko. “E hindi ka naman gwapo, wala ka namang sense of humor, at playboy ka” This is the funny part I really convinced myself na he’s not my type of guy. Well he doesn’t have any of my “ideal knight in shining armour standards”: Matalino, Mabait, walang bisyo, seloso (swear), he always makes me laugh, maipagmamalaki ko, hindi masyadong mataas ang pride, at hindi niya ako gagawing spoiled-brat-girlfriend. Oh diba, that’s what you call “CHOOSY”. No one can really tell kung kanino ka mahuhulog. Lalo na sa tulad kong EASY TO FALL AND EASY TO FALL OUT. But this time, the EASY TO FALL OUT machine isn’t working well and I hope time can fix it as soon as possible.

“Parang pelikula lang ah. Hindi ko alam nangyayari pala sa ito totoong buhay” Now you know. Maraming bagay pa talagang dapat malaman ang bawat tao. Kahit ako. Hindi ko naman masasabing napagdaan ko na lahat para sabihing kaya ko na rin lahat.

“I remember my first girlfriend. She’s not that beautiful and chubby siya. Hindi naman kasi lahat sa kagandahan binabase lahat.” “yeah right. Sabi mo nga, ayaw mo sa babaeng nagmamake-up, maraming kung ano-ano sa katawan, magastos etc.” Sinabi niya lahat yan. I tried not to wear any make-up (lipstick and powder) and guess what ang panget ko na nga mas pumanget pa ako. Ahahaha mukha akong hindi naligo. Hindi ako naghihikaw because of allergies pero I have this one piercing na ayaw kong tanggalin kasi it means something to me. I just wear the miraculous medal at yung singsing na kinuha niya kagabi. “Sabi ko sa sarili ko, habang suot ko tong singsing na to. Hindi ako puwedeng ligawan (kasi dahil siguro sa’yo).” I started wearing that ring noong august 6 last year ata.

So hindi mo na suot magpaligaw ka na (sinuot niya yung ring sa left ring finger niya at hindi ko alam kung ano gagawin niya dun)kamuntik ko nang masabing, “Sana ligawan mo na nga ako.” Pero narealize kong tama na ‘tong kahibangan na ‘to. I want to change myself para sa isang taong hindi naman ako mapapansin kahit anong gawin kong pagpapaganda sa sarili ko. kahit naman sabihin niya na hindi naman kailangan magpaganda para mapansin ka or whatsoever kalokohang words. Isang napakalaking kalokohan ang pinasok ko.

Nangyari na ‘to dati sa recent ex-boyfriend ko. Pero iba kasi yung ex ko, nag-take advantage siya sa akin. I mean, niligawan niya ako dahil alam niyang may gusto ako sakanya. “Ikaw …. Nalaman mong gusto ka niya liligawan mo ba siya?” “Hindi” straight to the point diba. I admired what he had done last night. Ayaw kong mag-usap kami ng personal pero pumunta pa talaga siya sa tambayan namin para lang guluhin ang gabi ko. Mabuti nalang at tipsy na ako’t malakas ang loob na humarap sa kanya.

Siyanga pala. Sorry, sa pangugulo. Sorry dahil maling akala ako. Akala ko kasi wala na at akala ko may something nga. SORRY.

Just then I realize, Nagising ako bigla. Nakatulog na pala ako sa kakaisip. Am I dreaming? I hope so.

I may not be the perfect girl but when someone crossed paths with you please make sure that you’ll never ever hurt her. I sacrificed everything and I hope I will never regret anything.

I can’t remember everything that just happened last night. This blog may take 5 pages if ever I’m in the mood of reminiscing things. Pero ayaw ko na. Hanggang dito nalang ‘to. My head still hurts and… my heart? Hahaha funny. But time can heal. I just need some time. Sa ngayon kelangan kong magdecide kung uuwi na ba ako or hindi pa. Kung a-atted ba ako sa debut ng friend ko o hindi na. Gusto ko magliwaliw sa ngayon. Saan ba magandang pumunta? Sumasakit na rin ang puwet ko dahil kanina pa ako nakaupo habang tinatype ko ‘to. Actually I want to write a story pero nauwi sa real life story ang peg.

This is just a random post I may not be able to read again. There’s another page in the Journal of Life for me to write on and I am looking forward for the time when I will write something different. Sana naman yung time na may someone na ako. Hahaha landi lang?

No comments: