Saturday, January 21, 2012

I really need a shoulder to lean on... JUST A SHOULDER

Alam mo ung feeling na may akala mo may something na dahil pinatulog ka niya sa balikat niya pero ikaw lang pala nakakafeel nun?

5:30 am

On the way na ako sa school, pero actually hindi sa school ang diretso ko, sa mcdo taft kasi kukunin namin mga lunch namin at ng mga batang alaga namin para sa NSTP event sa Northville 3. Hinihintay na ako ng mga kaibigan ko dun. Isa sa mga kasama ko, just call him D.O.

ayun, so si D.O nagtext na on the way n rin daw siya, and sabi niya tabi daw kami sa bus. Ok lang naman magtabi kami sa bus even though he's a boy kasi friend ko naman siya. at ako naman tong si malanjutay haha. Kasi crush ko siya nung First year ako second sem at alam niya un. I don't know if he's taking advantages of that pero ngaun ang tanung, CRUSH KO PARIN BA SIYA o tlgang lumalandi na naman ako. hahaha!

Aun, so dumating siya. kumakain kami, (dpat nga di ako kakain pero may SOMEONE na nanlibre sa akin ng breakfast ko :)) then inalok ko siya pero kumain na raw siya. OK.

Aun, naghintay ng bus sa school. Tumabi siya sa akin sa bench na inuupuan ko. wala pang something dun.
Hindi na ako magpapaliguyligoy pa.

Sa bus (8:00am)

Nasa tabi siya ng window ako naman tong si makulit na gusto sa tabi ng bintana pero ayaw niya, OK. So otw to bulacan,sinubukan kong matulog pero hanggang idlip lang at paputol putol dahil magulong magdrive si mamang driver hahaha!

Then kulitan kami, kwentuhan. kinikiliti niya ako, kinikiliti ko din siya. may time pa na tumingin ako sa labas ng bintana then bgla niya inuntog ulo ko. haha!

Then nasa bulacan na kami , NV3, kabababa ng bus kulitan na naman, yayakapin sana daw niya ako pero natamaan ng kamay niya ung baba ko , ouch (masakit ung tinamaan na baba ko)

Seryosong Joker. Kala mo hindi siya nagJojoke pero ikaw mismo matatawa sa joke niya. hahaha!

Un. Sa multipurpose hall ang venue.

Hindi ko na maisip ibang mga nangyari. Haha ang gwapo ni JAN hahaha.. ANJ=JAN.. pero nilandi siya ng nanay ko. ayaw ko na.. ahaha

Nung maghome visitations na kami. Hawak hawak niya likod ko. Parang he's guiding me pero muntik na niya ako ilaglag sa hagdan ha. HAHAHA

Home visitations.. blah blah blah...

Hinihintay si maam sa baba ng multipurpose hall. Nakaupo ako sa tabi nilang lahat. Nagsasalamin. Bigla ko napnsin na nakatingin/nakatitig sya sa akin. nung nilingon ko siya, bgla siya nagiwas ng tingin. pero tumingin uli siya at nginitian ako.

lagi niya akong pabirong sinusuntok sa tyan. pero masakit ha. kaya hinahabol ko siya at sinusuntok ko rin. gaganti din ako ha bakit kasi.

Balik sa bus, as usual tabi daw kami. so sa window parin siya. Tinatawanan ko siya dahil mainit/maaraw sa side niya. Kalahati daw niya maitim na.

aun. So sa daan tulog tulog den. tinakpan niya ng banig ung bntana para hindi kami mainitan. Aun.

muntik pa ako masandal sa balikat niya buti namalayan ko.

Pinahiram niya ako ng headset niya. so share kami sa sounds. then hindi ko alam kung anu naisip ko pero I asked him " PDE?" referring to his shoulder.. haha! ANG LANDI (P.I) .. sabi niya "ocge" then sumandal ako.

i think 10 minutes ako nakasandal dun, nakatulog ako infairness. ung mga music na pinakinggan ata namen is.. hmm.. hindi ko na maalala.. pero may one song na napansin kong un lang pinatapos niyang patugtugin and I don't know the song pero maganda siya. nangiti nga ako nung narinig ko. tinignan ko siya pero seryoso siyang nakikinig.


sh*t sabi ko.. ano ba tong gngwa ko..


amp. kasi ang panget tgnan. baka pinaguusapan ako ng mga kaibigan ko na malandi ako, huhuhu.. I hope not. I just need a shoulder..

pero nung tulog ako nafeel ko ung parang shock .. spark i should say.. from his shoulder to my head..

nagising ako.. then bgla ako tumayo.. tinignan ko siya.. tumingin din siya.. pokerface.. aun naupo na akong mabuti.. matgal din kaming hindi nagusap.. then sa bandang quiapo na ata nung nagusap kami..

"CHICKS!" sabi niya pero mga asong nagaanuhan sa daan.. hahaha tawanan kami...

aun.. tingin sa labas na parang budoy.. naglean sa binti niya.. sabi niya cge lang daw parang masahe.. then hinwakan niya likod ko ang i don;t know why..

hirap bumaba nung nasa SM na kmi.. ayaw ko umalis sa tabi niya.. nakanang.. hahahha

pero kelngan.. it's going deeper na kasi. NAKS!

aun.. facebook after 4 hours ng tulog.. then check FB .. and OMG! he's got a Girlfriend! OMG OMG! malandi tlga ako!! f*ck!

huhuhu, in a relationship sila pero natulog ako sa shoulder niya.. ang sama ko tlgang tao.. I can't really.. hindi ako makaget over.. lutang pa ako kaninang pauwi ako.. iniisip ko siya hahaha.. pero ngaun.. BV.. kaya pala may katxt siya sa bus the whole time.. it's his GF..

dammit..

pinahiram lang niya balikat niya.. that's ok.. it's nothing naman.. NOTHING.. (i hope)

so aun.. hindi parin ako kmakain ngaun ng supper.. nagkakasakit ako nangangayayat na raw.. from 53 to 44 kilos nalang ako :/ hahaha


aun.. so end ng blog..

mykeyboardsaysSTOP :)

No comments: