Monday, April 1, 2013

Changes

Hay buhay wala na ngang puma-follow sa akin at nagbabasa ng mga pinagsususulat kong mga kung anu-ano e heto at magsusulat parin ako! :D

I don't care kung may magbasa man neto at magcomment (not literally), side comment, na kesyo maarte ako, madrama, sensitive. eh Dito ko lang naman nilalabas lahat ng mga hindi ko dapat sabihin sa mga taong alam kong masasaktan or magagalit e. :)

Sa panahon ngayon marami nang nagbabago. Climate Change! Charot! pero infairness super kaduper init dito sa pinas ha! Ang hindi ko pa mawari ay mas mainit pa sa province kesa sa city. Not because of the airconditioners of the mayayamang families hahaha!

well back to the topic. Ayun. napansin ko lang kasi na parang nagbabago na mga tao, lalong lalo na mga kaibigan ko. Physically, hindi masyado. Emotionally, YES! Eto kasi yun. parang hawa-hawa lang ng ugali. Kung ano uso dun sila. Ako naman si nakikiuso din pero nilulugar ko naman. Sensitive nga ako diba. pero parang hindi nila nahahalata na minsan e kelngan naman nilang tumigil ng kakaasar. Nakakasakit na nga ako minsan e. I have some sort of attitude problem pa naman. Madaling magalit pero hindi ako nagagalit using sigaw or sermon. I hurt physically. That's my big problem. So ako pinipilit kong pigilan yung sarili ko. counting 1 2 3 4 5 and down. breath in breath out. whooh.

What I'm pointing out is parang hindi na ako narerespeto minsan. Sa mga magkakaibigan kasi hindi naman mawawala ang asaran, lokohan, minsan personalan na. Mahirap kasi kapag through facebook, twitter etc ang way of communication niyong magkakaibigan. hindi mo malalaman kung ano nga ba talaga yung gusto nilang iparating sayo. May HAHAHA nga sa message pero galit pala or sarcastic. Hay. Naninibago lang talaga ako. Maybe they are matured enough and I am not. Mapagdrama nga ako sa mga tweet ko pero sana naman sakyan niyo nalang. Huwag nang pahabain pa. Hindi ko naman gustong malaman yung side niyo e. kung may gusto kayong icomment isarili niyo nalang. Baka kasi imbes na joke joke lang pala yung tweet or status na yun. e bigla maging totoo na. If you know what I mean. Masyado kasing naging broader ang freedom of expression ngayon. :/

No comments: