Thursday, November 3, 2011

Mahilig akong magsulat ng kuwento at "gumawa ng walang kwentang kuwento" xD

I have this habit na kapag nabobored ako kukuha lang ako ng ballpen at isang bagong biling notebook tapos magsusulat nalang ako ng mga gusto kong isulat. Nung HS ako may notebook akong maliit, ung King Jim, pinuno ko yun ng isang story. Hindi ko na nga lang alam kung nasaan yun. Ako yug main character. Doon ko kinikwento lahat ng gusto kong mangyari, na dapat nangyari, sa buhay ko. Yun bang "GANITO DAPAT ANG NANGYARI". lahat doon ko nilagay. ung ibang scene ay nangyari talaga pero nirevise ko lang. Para mas humaba yung kwento. 

Nabasa ko ata yun last time hindi ko matandaan kung kelan. napuno ko yung buong notebook. Manipis siya pero marami ang laman. Gee ang name ko doon. Lahat ng HS friends/classmates ko nandoon din. Last summer (2009) ay nagsulat ako uli. Chapter 3 na pala ako. "NA" kasi talagang mahaba ang kwento. From HS ata to College ni Gee. May mga napulot din akong kwento sa mga pocketbook na nabasa ko. 

May copy pa naman ako nung last na chapter na hindi ko rin naituloy dahil sa sobrang BUSY na ako.


Actually wala pa siyang title nung sinimulan ko. This chapter ko lang nalagyan ng title. Chains and Flowers. Parang Guns and Roses lang. Pero iba ang kuwento. 

Below the title may nakasulat na: 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

I choose this title kxe... chains means a hard bound friendship... yung barakada namin... mga SWAKK... TOL... (currently BLAKK - BLEAM AND SWAKK)... NO NAMES... 3-SCIENCE for short... (Ah so 3rd year ko pala eto sinulat!) batch 2008-2009... Flowers naman dahil sa LOVE... may mga relationships na hindi naglalast... parang sa bulaklak ba... namamatay din... pero napapalitan ng mas maganda pang bulaklak...

Gets?

... continuation ito ng kuwento ko...

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Eto naman yung chapter 3..  (OMG! bigla kong naalala!) May isa pa pala akong kwentong ginawa. nagsimula ako noong 4th year ako. SA UULITIN ang title. and then tinuloy ko lang last year (2010). naka-save sa may laptop ng kuya ko. Nagbakasyon ako ng December. and then pagbalik ko wala na! nabura na! GOSH! That was (I think) 105 PAGES sa word! wew... REALLY! My EFFORT was wasted. argh. well.. ok lang parang isang ordinaryong pocketbook lang din ang laman :)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lola: Andyan na sila...
Gee: Lola ano pong nangyayari? Yan ba ang mga Urakas (haha! URAKAS?? hindi ko alam kung san ko nakuha ko.. basta tribo siya or something . halo-halo kasi ang kwento. may love, friendship, thriller, etc)
Lola: Gee... Gusto ka na nilang kunin!
Gee: Lola? Anong ibig niyong sabihin?

    May 10 Urakas na nakapalibot kina Gee at ang lola ni Maxi... Para silang tribo... puro putik and mukha... at may pana at sibat...

    Sa itaas naman ng bahay... sa kuwarto ng girls...

Gem (HAZEL): Hey guys... nakita niyo si Gee?
Maj (MAJJ): Nasa baba hinihintay tayo...
Lesy (LESLIE): Bilisan niyo excited na ako... Hoy Kate (KATH)! Tama na yan... maganda ka na. kanina ka pa jan sa salamin ah! Bisitahin mo nga yung mga boys at baka di pa naliligo ang mga yun!...
Maxi (MAX): Ako nalang!

    Lumabas si Maxi sa kuwarto at nagpunta sa katapat na kuwarto upang tawagin ang mga lalaki... Kumatok siya... (Tok Tok Tok) Binuksan iyon ni JP (OLIVER)...

Maxi: Hey Dalian niyo... nasaan yung iba?
All boys: We're here!
Maxi: Ah.. Bilisan niyo na kanina pa naghihintay si Lola at si Gee sa baba...

    May narinig silang hiyaw (AAAAHHHH!) si Gee iyon.. Lumabas ang ibang girls pati ang mga boys nataranta na rin...

Kate: Si Gee!!!!
Maj: Tara puntahan natin baka kung ano na ang nangyari saknya!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

yan lang naman yung nakasulat.. Well, gusto kong ituloy ang kwento pero hindi ko na alam ang isusulat ko... haha!

-END-

No comments: