Thursday, November 3, 2011

Just finished fixing, packing, throwing, and reading my old things/diaries/notebooks etc.

Grabe, hindi ako tinatantanan ng mga lamok dito sa harapan ng computer. Parang mga zombies na nang-uubos ng balat (pero hindi balat inuubos neto e, pasensya). Hindi naman tungkol sa lamok ang blog ko e. haha

So paano ba ako magsisimula at saan dapat ako magsimula? Well, may mga hawak ako ngayong bos ng 'letters' / 'notes' / 'etc'. I'm gonna write some nalang kasi kailangan ko nang itapon ung iba (ang dami na daw kasing kalat). muntikan pang itapon ng mama ko yung iba buti nalang at nakuha ko. Iyong iba hindi pinalad ayun nabasa ng ulan (ulan kasi ng ulan this past few days e). Yun pa naman ang dapat kong unahing isulat dito. Papatuyuin ko nalang muna sa labas. 

Bunot nalang ako ng kung anu anu dito sa box.

First one: Script naming PHUNKZ + JOY + JM noong Parents' Day sa school.

Page 3 and Page 4 ang nasa akin. 

Max: "Pagbubunganga bang pangaralan siya? Tignan mo, ultimong panty niya na.. na pinagreglahan, hindi malabhan. Isunganga ko nga sa kanya."
JM: "Tulad niyan, dapat mo bang gawin iyon sa kanya?"
Max: "Aba, para magtanda!"
JM: "Diyan tayo nagkakamali."
Max: "(Nagkulubong-nagtakip ng kumot) Ay, matulog ka na nga!"
Apat na ang anak nila. Tatlong babae, isang lalaki. Si Rita ang panganay. Nasa ikaapat ng taon sa hayskul. Sa pamumuhay nilang isang kahig, isang tuka at hindi kayang kumuha ng katulog, ang lahat ng trabaho sa bahay ay nabunton kay Aling Marta. Alaga sa anak, paglalaba, pamamalantsa, pamamalengke. Naging bugnutin si Aling Marta at madalas na naibubunton ang init sa panganay na si Rita.
Max: "Hoy, babae! Ang kupad-kupad mo naman!" (Kurot, sabunot kay Rita)
Mapurol ang ulo ni Rita nang nag-aaral na. At lalo pang nagalit ang ina.
Max: "Sayang lang ang pambili mo ng libro't kwarderno. Tingnan mong mga grado mo. (Pingot sa panganay) Ano ba naman ang laman ng utak na yan? ... dayami?"
Gayon ng gayon. Sa pagdating pa ng ibang anak, halos napababayaan ang paglaki ni Rita. Bihira ang okasyong makakaharap silang mag-anak sa kainan. Kanya-kanyang kain lalo na sa umaga't nagmamadali sa pagpasok sa eskwela. Kung magkaharap man sila, si Rita'y nasa isang sulok, siyang inuutusan kapag may kailangan sa kusina. Nakaluwag-luwag sila noong matataas na ang puwesto ni Mang Nardo (Si John Mart). Nagkatoon ng katulong ngunit iyon ay nasa hayskul na si Rita at tila malayo na ang damdamin sa kanila. Hindi palakibo.

(Infairness nakakapagod magtype! haha!)

3rd scene: Isang hapon, umuwi ng maaga si Mang Nardo. Wala si Aling Marta. Sa labas pa lamang naririnig na niya ang masayang halakhakan sa salas. Halakhak ni Rita. Lubos na damdaming halakhak. Dahan-dahang ibinukas ang pinto. Si Rita at dalawang dalagita (Kami ni Jeika yun! haha). Masayang nag-iistorya (nagkwekwento) at tawa ng tawa si Rita. Sa mukhang iyon ng anak, sa unang pagkakataon nasilayan niya ang kapanatagan ng damdamin. At siya'y napakurap. Napatihim. At si Rita'y napabaling sa kanya. Nagitla. At biglang nawala ang kasiyahan sa mukha. May bumadhang takot sa mga mata. 
Hazel: "Daddy, si Malou po at Marie... Kaeskwela ko po."
Jeika: "Magandang hapon po."
Anjj: "Magandang hapon po." (Nakipagkamay ako that time then inasar ako ng audience na batchmates ko na 'kiss daw' haha!)
JM: (Ngumiti) "Sige... It's alright."
Hindi na niya narinig ang lubos na damdaming halakhak ni Rita. Makalipas ang ilang minuto, umakyat sila Rita sa opisina ni Mang Nardo upang magpaalam.

Hazel: "Daddy, gusto ho sanang magpaalam ng mga kaibigan ko." 
Jeika: "Tito, tuloy na po kami salamat po." 
Anjj: "Sige ho. Magandang hapon po ulit."
JM: "Sige. Mag-ingat kayo mga hija."

4th scene: Alas-singko na ng hapon, sa opisina ni Mang Nardo.
JM: "Rita, pakipaalalahanan mo si Carlos (Si Joy- boy siya pero girl ang name) na pumunta rito."
Rita: "Opo."
hindi matiyak ni Mang Nardo hanggang ngayon kung kagaalitan niya o pagbabawalan na makipagkita si Carlos sa kanyang  anak. Makalipas ng 30 minuto, may kumatok sa pinto. Nakita niya ang isang binatilyo, mabulas ang pangangatawan, nakakamisadentrong puti't mahaba ang manggas, itim ang pantalon, maamo ang mukha, mahaba ngunit maayos ang buhok. May kipkip na mga libro. Bahagyang itong ngumiti. Pinatuloy niya at nagbigay galang ang binatilyo.
JM: "Maupo ka."
-END OF EXCERPT- 


So hanggang doon lang ang script na nasa akin. May video ata ako netong play or picture ata. I don't know. Hindi ko na kasi maalala. (Hahanapin ko muna ung picture/video) --- (After 15 minutes... WALA AKO NAHANAP!) 


Ang pagkaalala ko eh walang narrator. I mean walang fixed na magnanarrate so kung sino ang bakante sa aming 6 eh siya ang magnanarrate. Hindi ko alam kung nagustuhan ng mga nanood haha! pero atleast success ang play kahit walang practice! haha ON-THE-SPOT talaga.

Yung BLAKK naman nagsayaw ng anu ba un.. haha basta eto ang link... http://www.youtube.com/watch?v=p7zR0QPrcRc

grabe talagang iniisip ko kung merong picture ung play. wala nga. pero hinahanap ko. haha!

So eto ung copy ng tinype ko ..

 
Oops! May naalala ako. Parents Day noon. Nag-away din kami ni mama the day before that event. So grabe iyak ko nung pinalapit kami sa mga parents namin. Siya lang kasi nandun. Wala si Papa. So ayun, sabi ko "Mama sorry and I Love You" (aaahhh) :))

No comments: