Saturday, July 20, 2013

May bago akong kwento. Gusto mong malaman?

Si Girl may crush kay Boy. Hopefully na hindi nga alam ni Boy yun. Since the day ng isang event sa organization ni Boy. Nasa computer si Boy at siya ang naooperate sa mga slides sa event na yun. Magkatapat lang sila ng pwesto. Unang tingin palang ni Girl kay Boy. Parang may SOMETHING.

Kinausap ni Girl yung friend niya.

Girl: "Te, tignan mo yung nakaputi na nakabonet."
Friend: "San?"
Girl: "Sa tapat ko."
Friend: "Oh. Bakit?"
Girl: "Gwapo noh"
Friend: "Ha?"

Then BOOM! That was September 2012. I think. The whole event nakatingin lang si Girl kay Boy. Hindi niya alam kung bakit.

Matinding pagtatago ang ginagawa ni Girl para lang hindi mangyari ung "KAPAG NALAMAN NI BOY NA CRUSH SIYA NI GIRL BAKA LAYUAN SIYA NETO"

Nandyan yung sabihin niyang si ano may crush kay Boy. Nacurious naman si Boy dun sa sinabi ni Girl. There comes a point na inaasar ni Girl si Boy dun sa nagkakacrush dito. Eh si Boy naman ayaw niya. Hindi naman sa ayaw pero parang hindi siya interesado.

May time din na nagpost si Girl about sa crush niyang President ng isang org sa school nila. Sabi niya Apat na taon na syang naghihintay na mapansin siya ni Mr. Pres pero may GF siya kaya naman sobrang sakit. Chinat siya ni Boy at tinanong niya kung sino yun. Sinabi naman ni Girl. Naniwala naman si Boy.

So yun. Hanggang ngayon friends sila ni Boy. Just friends. Not close friends.

There are times na madalas binubully ni Boy si Girl. Bully about sa current issues kay Girl mga ganung factor. Then si Girl naman sobrang inis. Binubully din niya si Boy.

Isang time napadaan si Girl sa FB page ni Boy at nakita niya ung isang post dun. "ANG LALAKING TORPE, SA PANGAASAR DUMIDISKARTE". From then on, nabo-bother si Girl. Sabi niya: "What if may gusto pala siya sa akin? Hindi ko lang alam at ayaw kong alamin?" pero narealize niyang baka nagkataon lang "Imposible naman ata yun. I'm not he's type of girl. Masamang umasa. Mahirap masaktan"

Marami nagsasabi ay Girl na:

Friend:"Uy feeling ko may gusto si Boy sayo!" ....
Girl: "Ha? Bakit mo naman nasabi? Asa naman!" ...
Friend: "Lagi kasi siyang nagcocomment sa mga status mo,"...
Girl: "Comment lang, may crush agad? hahaha! kayo talaga kung ano ano iniisip niyo"...

Another Friend: "Paano kapag nalaman mong may gusto siya sayo?"...
Napaisip ng todo si Girl...
Girl: "Naku! ako ata pinakamasayang babae sa buong mundo? Ate pahawakan naman ung buhok ko. sumasayad na kasi XD"

Eto pa! Ang first heartache from him... Not the actual conversation. Revised.

Kchat ni Girl si Boy. Normal conversation then nambully na naman si Boy.

Boy: "Uyyyyy si anooo."
Girl: "eeeee ano ba kuya! Hindi nga siya ang gusto ko"
Boy: "hahaha sorry pero di tayo pwede"
Girl: "hahahaha! wow ha!"

Tinawanan nalang ni Girl yun. Pero deep inside parang tinusok siya ng libo libong karayom. Ikaw ba naman sabihan nun kahit pabiro lang diba? Feel mo noh? Nakarelate? hahaha

So ayun. Hindi naman mataas expectations ni Girl. Maraming beses na siyang nasaktan. Maraming beses na rin siyang natuto. Kaya naman ang sabi niya sa akin. Hindi nalang ako mageexpect para hindi ako masaktan. Diba ang taray ni ate.

Kaya naman kapag may time na binubully siya or may ginawang nakakakilig si Boy kay Girl eh sinasabihan nalang niya yung sarili niya na:

"Timpi lang 'te. Be cautious. Pretend. Wala kang gusto sakanya. Huwag kang umasa na may meaning yung mga ginagawa niya or sinasabi niya sayo. Huwag mong bigyan ng meaning. Simple Gentleman's Gesture lang yan. Hanggang dun lang. Aral ka muna. Crush lang yan. Pang-inspirasyon lang."

Hindi naman daw lahat yan sinasabi niya lagi pag nakakasama/nakakausap/nakikita/nakakatext niya si Boy. Memorize ba? hahaha!

So yan ang kwento ni Girl about sa Secret Crush niya para kay Boy.

Si Boy kaya? Ano kaya ang side niya?







TO BE CONTINUED....

No comments: